Takip-silim
Napapansin mo ba ang takipsilim? Kapag lumulubog na ang araw sa dakong kanluran? Kapag ang mga kulay sa paligid ay nagbabago na ng anyo, kapag ang araw na kay liwanag ay biglang didilim?
Tanging isang sensitibong pintor lamang ang makapagbibigay buhay at kulay sa isang likha. Ngunit sino? Sino nga ba ang makakapaginteres panoorin ang isang pangkaraniwang takipsilim?
Araw-araw kapag patapos na ang isang maghapon, laging magigisnan ang takipsilim. Kailangan pa bang may maganap bago tayo pumuna ng mga bagay-bagay? Ang isang tao ay parang takipsilim. Dumarating siya sa buhay natin sa oras ng isang matinding pangangailangan at nagbibigay ng kaligayahang hindi pa natatanto. Parang ayaw mong mawalay sa kanyang piling. Ngunit sa isang iglap ay maglalaho gaya ng kanyang pagdating...kay bilis...kay sakit.
Kailangan mong maghintay ng bukas para sa kanyang pagbalik. Kung sakaling iba na ang takipsilim na iyong matagpuan, ang unang nagisnan ay hindi para sa iyo. Tanging tadhana ang humatol sa aming muling pagkikita. Akala'y nawala na siya, kasama ng aking mga alaala. Nang magtagpo muli...kay sakit ng muling bawiin sa huling pagkakataon. Ngunit hindi ko na siya makakalimutan. Sa bawat nagdaraang araw, takipsilim ni Emil ang nagisgisnan.
Siguro'y may karapatan siyang angkinin ito, dhil siya lamang ang makakaplabas ng ganda nito sa kanya liha. Dahil kay Emil, nagbago ang aking buhay. Nagkaroon ng bukas at hinaharap. Nagkaroon ng isang Jesse Ceniza na nagmamahal at nag-aalaga sa akin. Nang dahil sa iyo, Emil, ang napakabait na si Emil Sandoval.
Isang struggling artist si Emil sa aming ad agency, at ako nama'y copywriter. He could be anything he wants to be. He's got the looks and the brains. He tends to be a little outlandish in his most charming way. Wala siyang tinatago, kung ano ang nararamdaman niya, yun ang ginagawa niya. He is his own master, he's in control and no one can stop him. I guess we never took on the idea that our closeness could lead to something serious. Mas gusto naming magtagal ang aming pagsasama bilang magkaibigan.
Kinuwento ko sa kanya sa kanya nang nakilala ko na si Jesse Ceniza, ang star dancer ng isang dance troupe, ang crush ko. Nagkunwari siyang masaya para sa akin ngunit nababanaag ko kanyang mga mata ang lungkot ng aking balita para sa kanya. Nahalata ko ito at ako rin ay biglang nalungkot.
"Come now, sweetheart. I'm only kidding. Ikaw naman hindi mabiro." sabi niya, sabay tawa, tinakpan ng pagbabalotkayo ang namumuong luha sa kanyang mata. Niyakap niya ako.
"Maski sino pa yang Jesse na yan, along mo namang mas mahal kita kaysa sa kanya," sabi niya.
At tila isang tahimik na kasunduan, iniba namin bigla ang usapan. Wala nang ibang nakakakilala sa akin kundi si Emil, alam niya kung papaano buwagin ang aking pagbabalatkayo.
Paano ko siya hindi mamahalin? Paano ko rin siya makakalimutan? Ang mga likha niya ay sa puso ko rin itinago. At ang takipsilim...oo, ang takipsilim, wala ng ibang maestro na makakapagsalarawan ng isang mailap na takipsilim.
Naging malapit kami ni Jesse, and later on we fell in love. I knew we did. Sino ba naman ang makakapaglakas-loob ng magtapat ng pagmamahal ng alas-dose ng madaling araw? Si Jesse Ceniza lamang. Ngunit nagsawa rin siya sa araw-araw naming pagkikita at bigla na lang nawala, at dumalang na rin ang tawag niya.
Tinulungan ako ni Emil para magkabalikan kami ni Jesse pero wala din siyang nagawa. Tinulungan niya akong bumangon sa aking pagkakabagsak ngunit ako na mismo ang ayaw tumayo.
"Stop it Malen. Stop it! Hindi ka naman mahal ni Jesse, he never did!" Sigaw niya. Maraming taong lumingon sa amin, nasa Lawton kami, papauwi. Pinilit ko siyang samahan ako sa Novaliches, kina Jesse.
"Huwag mong sabihin yan, Emil! Mahal ako ni Jesse, minahal din niya ako kahit sandali," Pilit ko. Tumawa sya, yung tawang nakakainis.
"Kailan nya sinabi yon? Gumising ka Malen, huwag mong lokohin sarili mo. Kung minahal ka niya, wala ka na ngayon siguro sa akin." Tumahimik kami sandali, nagtititigan. Umiyak ako sa nadamang sakit.
"Bakit Emil, ganoon ba ako kahirap mahalin? Minahal ko siya," Iyak ko. Niyakap niya ako, pinahiran ang aking luha, hinalikan sa ulo. Tignan mo, Malen. A sunset. Di ba limang artwork ko nyan ang nasa yo? Ang ganda di ba? Hindi nakakasawang pagmasdan, sa araw-araw ay iba't-ibang klase ang iyong magigisnan. Tandaan mo yan, maya-maya lang, maglalaho na yan. Kailangang maghintay ka bukas para magisnan mo muli, " sabi niya.
Pinagmasdan ko at ngayon ko talaga napuna. "Si Jesse ay katulad ng isang takipsilim. Maganda sa simula pero hindi talaga nagtatagal. Maghintay ka bukas, makakakita ka muli ng isang pang takipsilim. Malay mo, maaaring ito rin yung takipsilim na nakita mo kahapon." Ngumiti ako. Tama siya.
Umuwi ng probinsya si Emil bago mag ala-singko ng July 16. Pabago-bago ang panahon, biglang uulan, biglang aaraw...hangang lumindol. Maraming nasaktan nung araw na iyon. Nasa bahay ako. Nakita ko na lang sa diyaryo na nahulog ang bus na sinasakyan ni Emil. Nagcollapse ang tulay na dinadanaan nila. Maraming namatay, hindi malaman kung kasama siya roon. Bigla na lang nawala si Emil. Ang sabi nila kasama siya sa mga namatay.
Tatlong taon ang nakalipas, marahan ko na ring natagganggap ang pagkawala ni Emil. Pero alam ko na nandyan pa rin sya, nagmamasasid, nagbabantay. Paminsan-minsa'y parang nakikita ko sya sa karamihan. Pero kamukha niya lang iyon. Mag-aalasais na, uuwi na ako, hinanda ko na ang pamasahe.
"Malen, " may tumawag na tinig. Nang lumingon ako, napatitig ako sa mata ni Jesse Ceniza.
"Puwede ba kitang mahatid pauwi?" Tanong niya. His face has changed, he looks a little older now. I like it that way. Tumango lang ako at kinuha niya ang gamit ko. Ang lamig din ng kamay niya ng tinanganan niya ako sa balikat. Papara na sana ng dyip nang hinawakan ko siya sa balikat.
"Ano yun?" tanong niya. Wala nang bahid ng lungkot sa kanyang mga mata, only love, sweet, sweet love.
"The sunset," sabi ko. Nagbuntong hininga sya, "Yes...there goes Emil."
Tumahimik kami sandali, pinagmasdan ang takipsilim. May pumarang mama sa malayo, kumaway siya sa akin bago siya sumakay. Kamukha siya ni Emil. Si Emil nga! Buhay siya, hindi niya ako pinapababayaan. Kaya pala ganun na lang ang pakiramdam ko sa bawat paglabas ng bahay, nandiyan ang aking kaibigan, nagmamasid.
Tinulungan niya ko hanapin ang aking sarili, kaya siya nagtago sa akin. Napaiyak ako sa sakripisyo ng aking kaibigan, iba talaga nag pagmamahal niya sa akin. Walang katulad. I touched his face, his beautiful face. He reached out and kissed my hand.
"I'm sorry kung masyado akong nainsecure noon dahil mas bata ako sa iyo. Ngayon napatunayan ko na hindi lahat ng bagay ay mahalaga at kailangang punahin. May trabaho na ako ngayon, kaya na kitang buhayin. Wala nang huhusga sa ating pagsasama, at kung mayroon man, kaya na kita paglaban," sabi niya. Napangiti ako.
"Alam ko namang babalik ka, Jesse. Kailangan mo lang ng panahon para makapag-isip, " sabi ko. Ngumiti siya, umabot sa kanyang mata.
"Oo. Uuwi na tayo. Pinaayos na ni Papa yung bahay natin. Naiinip na kasi siya, ang bagal ko raw kumilos." At niyakap ko siya, alam kong hindi na siya mawawala sa akin tulad ng takipsilim.

Comments