Guni-Guni
Sa masalimuot na mundo ng Maynila nakilala ng Kuya Mike ang babaing ito. Ang babaeng nagwasak ng tanging kaligayahan nalaan sa akin, ang nagnakaw ng pagmamahal na panadalian lamang natikman. Hindi ko pa siya nakikilala kinamumuhian ko na siya. Lalo pa't ginatungan ito ng mga sulat ng kuya na nagpapatunay sa tunay na pagkatao ng ate, ang mga kasalanan na gusto kong ibintang sa kanya. Ibang klase siyang babae, madaling mahalin, madali ring kasuklaman.
Hindi ko alam na may ganda rin pala ang anghel ng kamatayan.
Lumuwas ang kuya sa Maynila bago magtag-init sa aming baryo. Gusto niyang matikman ang buhay sa Maynila. Naging malapit kami ni Mike, gayung dati rati'y halos hindi kami magkasundo kahit sa isang minuto man lamang. Dalawa na lang kami sa mundo, atg hindi namin kayang maghiwalay. Ngunit may mga panahon din ang buhay ng tao, may tag-ulan, tag-init. Pakiramdam ng kuya mas gusto niyang tumuklas ng ibang mundo.
Iniwan ako ako ng kuya upang mangasiwa ng lahat ng bagay at siya nama'y magtatapos ng pag-aaral habang pinalalaki niya ang pera namin sa isang negosyong kanyang napasukan. Sa perang iniwan ng aming magulang, bumili si Kuya Mike ng maliit na puwesto sa Makati at ginawa itong record shop. Tutal mahilig siya sa mga bagong tugtog, naisipan niyang gawing negosyo ito na alam niyang kayang-kaya niyang patakbuhin kahit maliit ang pondo.
Masipag si Mike, kaya niya pagsabayin ang negosyo at pag-aaral. Lagi kaming nagsusulatan at paminsan-minsan ay pinadadalan niya ako ng mga bagong tapes na siya msimo ang pumili bago ito mailabas sa mga record bars. Sa mga okasyong umuuwi si kuya, pinapasyal ko siya sa baryo at nililibang. Nilulubos ko ang mga oras ng aming pagsasama. Iba nga kaming magkapatid, walang makakapagmamahalan ng tulad namin at pati mismo ang mga naging nobya ni kuya ay pinagseselosan ako sa sobrang panahon at pagmamahal na binubuhos sa akin. Bakit naman hindi? Sa hitsura lang, hindi magpapatalo ang mala-adonis na mukha ng aking kuya. Magaling manamit at sobrang bait, kaya siguro hindi siya nanabasted ng mga nililigawan niya.
Suwerte ang mapapangasawa ni Kuya Mike maski pihikan siya sa babae. Nagulat na lamang ako ng dumating ang sulat ni Kuya Mike. Nakapag-asawa na raw siya at hindi man lang sinabing sa akin na may syota na pala siya. Sumama ang loob ko at hindi ko sinagot ang mga sulat niya ng mga nagdaang araw. Ngunit ginambala din ako ng aking kunsensya kaya't nang sumulat muli siya ay sinagot ko na. Sa mga unang liham niya, puro papuri ang naririnig ko trungkol sa aking Ate Frances. Halata kong mahal na mahal ni Kuya Mike ang kanyang napangasawa, na regular kustomer niya sa record shop namin sa Makati.
Nagtratrabaho si Ate Frances sa isang advertising firm doon din sa Makati. Isa siyang art director at copy writer. May pagnanasa akong masilayan ang kagandahan ni Ate Frances dahil sa mga puri na ikinukwento ni Mike. Halos lahat na sumunod na sulat ni Kuya Mike ay tungkol kay ate o kaya'y sa mga lakad nila.
Alam kong may nangyari sa kanila ni Kuya Mike ng biglang tumigil ang pagsulat ang kapatid ko. Lumipas muna ang isang buwan bago ako nakatanggap na sulat mula sa kanya. At nagulat na lang ako sa nilalaman nito...
Dear Mark, I should have known that behind that beautiful face is the heart of a chameleon, the not-so-glamorous side of an impersonator. She'd deceived me with her lies and sweet face. And who wouldn't believe that naive-looking face of an angel of death. Isa siyang manloloko, ang Ate Frances mo. She's not the same woman I married. Siguro nga ay syota niya ang Carlong iyon, ang lalaking sinasabi niyang pindan niya. Pinsan? That bitch of a woman is a very good liar. I know her kind, I'll deal with her and her lover. Huwag mo muna akong sulatan sa bahay, gusto niya kasing malaman ang address natin sa probinsya, she wants to see the home that would soon be hers in the future when I die, daw. Not on her life, not when I'm still alive. I'm fighting, Mark. We will win, we will beat them in their evil scheme. She's mixing something with my medication that is making me weak. Nahuli ko siya, si Carlo pa ang tagahalo. Hindi nila alam na hindi ko na iniinom yung gamot na iyon. You must learn to fight fire with fire, Mark. That's the only way to win against these people. Utakan mo ang mautak na matsing.
Mike
Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko, kung susugurin ko siya sa Maynila o hintayin ang susunod niyang sulat, kung niloloko lamang niya ako o kaya'y lang niya ang lahat. Mahilig magbiro si kuya lalo na kung magandang babae ang pinaguusapan, baka nagaway lamang sila ni Ate Frances.
Kinabahan ako ng makatanggap ako ng panibagong sulat mula kay kuya. Mas matindi ito kaysa sa nauna. Magulo ang sulat niya at para bang nawalan na siya ng bait o talagang nilalason siya ni Ate Frances.
Mark,
She had done me in, at last. Frances, my torment. They said I'm sick and needed rest but I do know they are just trying to poison me. Not only do they put it in my food, they are also trying to poison my mind. Come to me, Mark. Help me, 'tol. They are trying to kill me. Frances...my love...my torment.
Mike
Pagkabasang-pagkabasa ko ay nagimpake na ako at tumuloy sa istasyon ng bus para lumuwas papunta sa Maynila. Pinuntahan ko yung record shop ni Kuya Mike sa Makati. Laking gulat ko nang malamang matagal na tiong sarado at may iba nang nagooipisina dito. Pinuntahan ko yung flat ni kuya sa San Lorenzo Village, at dito ko nalaman kung anong nangyari sa kuya. Nagulat ang matandang babaeng nagbukas ng pinto, natulala siya ng makita niya ako. Magkamukha kami ni Kuya Mike, yun nga lang mas bata ako sa kanya ng dalawang taon.
"Magandang hapon po, nandiyan ho ba si Kuya Mike?" tanong ko. "I-ikaw siguro ang kapatid niyang taga-Pangasinan, " pahayag ng matanda, tumango ako at ngumiti.
"Ako nga po, si Mark Sandoval po. Kayo ho ba si Manang Lucing?" tanong ko.
Tumango siya at binuksan ng maigi ang pinto. "Ako nga, tuloy ka." sagot niya, na may ngiting malungkot sa kanyang mukha.
Pinaupo niya ako at binigyan agad ng tubig. "Uminom ka muna, iho at mukhang malauyo ang binayahe mo," aniya.
Tumango ako at nagpasalamat, umupo siya sa harap ko. "Hindi mo siguro natanggap ang huling sulat galing Maynila," wika niya.
"Natanggap po, kaya nga nandito ako. Nasaan ho si kuya, nasa kuwarto ho ba?" tanong ko, bahagyang tumayo.
"Wala na ang kuya mo, Mark." sagot niya sabay tulo ang kanyang luha.
"Bakit ho, may pinuntahan ba sila ni Ate Frances? Kailan ang balik nila?" tanong ko, sabay lapit sa matanda.
"Patay na ang Kuya Mike mo, minarapat ng Ate Frances mo na ilibing siya sa Pangasinan kaya sumulat siya sa iyo. Nasa Quezon City sila ni Carlo at inaasikaso ang mga dadalin nila pauwi sa hacienda ninyo, pinagbili na kasi ng kuya mo ang bahay na ito," sabi ng matanda.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pagkatapos kong marinig ang sinabi ng katulong ni kuya, ang alam ko lang ay gumuho na ang aking paligid.
Pagbalik ko sa hacienda, nagulat ako ay may nakaupo sa sala at nagbabasa ng diyaryo.
"Sino ka?" usisa ko.
Tumindig ang lalaki, at natigilan nang magtama ang aming mga tingin, "Aaa...ako si Carlo, pinsan ng Ate Frances mo, ikaw siguro si Mark, kapatid ni Mike Sandoval," sagot niya, sabay abot ng kamay niya sa akin.
"Ako nga." wika ko, buti na lang at alam kong nandito na sila kung hindi ay hindi ko alam kung anong reaksyon ang gagawin ko sakaling magtagpo kami na hindi inaasahan. Sumunod siya.
"Ang kuya mo'y nakalibing na, inasikaso na namin yun ng Ate Frances mo. Alam naming gulo ang isip mo ngayon. Nasa taas pala si Frances, nagpapahinga," tingin sa palad niyang hindi ko kinamayan.
"Anong nangyari kay kuya, anong naging sakit niya, kailan siya namatay? Marami kayong dapat sagutin Carlo, kayong dalawa ng iyong pinsan na si Ate Frances," pahayag ko.
Tumango siya, at bahagyang napangiti, "Alam ko ang nararamdaman mo, Mark. Nakuha namin ang huling sulat ng iyong kuya at labis itong dinamdam ny iyong ate. Hindi niya akalain na ganoon nag iniisip ng kuya mo sa kanya. Mahal na mahal namin ang iyong kua, Mark. At hindi namin siya pinabayaan, maski sa huling sandali na hindi na niya kami kialala at pinagkakatiwalaan. Sakit sa utak ang ikinamatay ng kuya m, na ikinuwento ni Mike na sakit ng pamilya ninyo, lalo na ng mga lalaki. Naghirap siya pero nasa tabo niya palagi si Frances kahit na sinisigawan niya ito at sinasaktan. Ganoon kamahal ng ate mo si Mike," lahad ni Carlo.
Nagbuntong hininga ko, ayokong maniwala sa mga paratang nila sa kuya ko. Kilala ko si Mike, mabait siya, hindi siya magbibintang kung alam niya hindi totoo.
"Magpapahinga muna ako, kakausapin ko na lang kayong dalawa ng ate mamayang hapunan," sabi ko, sabay tayo.
Tumayo din siya, "Mag-ingat ka sana sa sasabihin mo kay Frances, Mark. Nagdudurusa pa siya sa pagkamatay ng kuya mo. Hindi niya matanggap na wala na siya," pahabol ni Carlo.
Tumango na lang ako at tumuloy sa aking silid. Nakita ko siyang nagpapahangin sa may azotea.
"Magandang gabi, Ate Frances," Wika ko. Lumingon siya na may ngiti sa mukha.
Nagulat ako sa aking nakita. Hindi lang maganda ang aking ate ngunit sobrang amo ng kanyang mukha...mukha siyang anghel sa ganda. Nawala ang kanyang ngiti at bigla siyang sumigaw, lumapit ako at bigla siyang nawalan ng malay sa aking bisig.
"AAAAAAAAAhhhh!!" "Ate, bakit?" tanong ko. Wala pang isang segundo nasa likuran ko na si Carlo.
"Anong nangyari?" tanong niya. "Ewan ko, bigla na lang siyang sumigaw pagkakita sa akin at nawalan siya ng malay," sagot ko.
Binuhat ko siya at pinasok sa loob, "Kumuha ka ng tubig," utos ko nung nakita kong nagkakamalay na siya.
Sisigaw na sana siya muli, "Ate Frances, si Mark ito, huwag kang matakot hindi ako si Kuya Mike," sabi ko, at bigla siyang napayakap sa akin at lumuha sa aking bisig.
Nag-usap kaming tatlo ng matagal, at nagkalinawan. Dala na siguro ng sakit ni kuya ang kanyang mga guni-guni, hindi ang tulad ni Ate Frances anf gagawa ng mga bagay na sinasabi niya. Ngunit hindi ko pinagkakatiwalaan ang tipo ng pinsan ni ate, malamang nga eh, kalaguyo nya. Laging kaming magkasama ni Ate Frances sa mga lakaran, unti-unti nawala ang pagkamuhi ko sa kanya. Nalaman ko na kung bakit siya minahal ng aking Kuya Mike.
Madali naman siyang mahalin, at siguro nga, dala lang ng sakit ni kuya ang mga paratang niya sa kanyang asawa. Hindi nagtagal, nahulog ang damdamin namin sa isa't-isa at hindi maglaon ay nagpakasal rin kami. Nagpapagawa ng gazebo sa may hardin si Frances, para doon daw kami magpapalamig tuwing hapon. Bihira na kami lumabas ngayon, laging sumasakit ang ulo ko at lagi na lang akong nasa aking silid. Nung isang hapon, naiinitan ako at gusto kong magpalamig.
"Fran? Frannie?" tawag ko sa aking asawa para tulungan akong tumayo. Wala siya.
Pinilit kong tumayo sa aking pagkakatutop at sinubukang lumabas ng kuwarto sa tulong ng aking tungkod, sinilip ko si Frances sa kanyang silid. Nakita ko siya at si Carlo na nagbibiruan at nagkikilitian. Maya-maya lang ay niyakap siya ni Carlo, bumagsak ang aking tungkod sa aking nakita. Lumingon silang dalawa, at dali-daling lumisan si Carlo sa silid na may isang tango sa akin. Lumapit sa akin si Frances.
"Mark, bakit tumayo ka, mahal? Di ba mahina ka pa? Halika at sasamahan kita sa silid mo, " sabi niya. hindi makatingin sa akin ng diretso. Inalis ko ang kamay niya sa aking balikat.
"Huwag na, marami ka yatang ibang pinagkakaabalahan," sabi ko, sabay alis. Kinagabihan, pumasok siya sa aking silid, may dalang gatas at gamot ko.
"O, eto na ang gatas at gamot mo. Inumin mo na ito ng bumuti na pakiramdam mo," sabi niya sabay upo sa kama ko.
Bumaling ako papalayo sa kanya, "Iwan mo muna diyan, at mamaya ko na iinumin," wika ko. Walang imik niyang binaba ang tray, hinalikan ako sa pisngi at umalis. Pag-alis niya sinuri ko ang gamot na pinaiinom niya sa akin, naalala ko ang bintang ng kuya sa kanya, na baka nilalason daw siya. Pakiramdam ko na lalo akong nanghihina sa mga gamot na binibigay niya. Hindi ko ininom ang gamot at itinago ito sa butas ng kama ko, tinapon ang gatas sa may halaman sa bintana. Lalong nabuo sa isipan ko ang mga guni-guni ko na pinagtataksilan ako ng aking asawa.
Malimit ko siyang nakikitang nakikipagtagpo kay Carlo tuwing gabi sa hindi pa tapos na gazebo. Igaganti ko ang kuya ko, ang pamilya namin sa pagtataksil ng babaeng ito. Umisip ako ng paraan, at ito ang nagbigay sa akin ng lakas upang makatayo sa aking kama ng kamatayan. Hindi ko pinahalata ang pagsusupetsa ko kanilang dalawa. Pinakita ko na nanumbalik ang sigla ko, at parang masayang-masaya sila sa aking pagkakagaling. Hindi nila alam na sumigla lang ako muli nung tinigil ko pag-inom ng gamot na binibigay nila sa akin. At para maalis ang suspetsa ko sa kanila, nagdala ng babae si Carlo sa hacienda.
"Mark, asawa ko si Sylvia, " Pakilala niya. "Kamusta ka? Kinagagalak ko makilala ka," bati ko. Ngumiti ng marahan ang babae.
"Sylvia!" sigaw ni Frances, sabay baba sa hagdan. Nagyakapan ang dalawa. Ang galing nilang umarte. Magkano kaya ang binayad nila sa babaeng ito? Kaya kong tapatan ang presyo nila para sa katotohanan. Niyaya ko siya maglakad sa may hardin.
Nung una ay ayaw niya dahil gabi na at baka daw may mangyari sa amin. Muntik ko na ng maitanong kung si Carlo kaya ang magyaya papayag siya? May butas pa kasi dun sa may ginagawang gazebo, hinukay ng mga karpintero para kabitan ng fountain sa gitna.
"Sandali lang tayo, ang ganda pa naman ng gabi. Sige na, ngayon lang ako magkakaraon ng panahon masarili ang asawa ko," sabi ko pang pabiro.
Niyakap niya ako at hinalikan, "Oh, Mark, mahal na mahal talaga kita, " sabi niya, at sinayaw niya ko patungong gazebo. Nagtatawanan kami na para bang walang nabago, muntik ko ng makalimutan ang balak ko dahil nalunod ako sa kanyang nanakakabighaning ngiti.
Pagdating namin sa may gazebo, "Umurong ka ng konti at ipikit mo ang mga mata mo at may ibibigay ako sa iyo. Matagal ko ng gustong ibigay sa iyo," sabi ko, na may ibang ngiti sa aking labi. Humakbang siya at bigla ko siyang tinulak sa butas ng hukay.
"Paalam mahal ko." wika ko. Wala man lang akong narinig na sigaw, dahil tuloy-tuloy siyang bumagsak sa butas. Hindi niya alam ang nangyari. At bahagya akong napangiti. Maya-maya lang ay tumakbo ako pabalik sa hacienda, humahangos, nagsisigaw, umiiyak.
"Si Frances! Shit, Carlo si Frances, nahulog sa butas! Tulungan ninyo ako!!!" Wika ko at nawalan ako ng malay.
Nagdaan ang dalawang linggo at inasikaso ko ang mga papapeles na naiwan ng kuya na binigay sa akin ni Frances. Nakita ko ang huling testamento ni kuya, iniwan niya ang hacienda kay Ate Frances, siya ang mamahala nito hanggang nasa wastong edad na ako. Nandoon din ang diagnosis ng doktor ng kuya, ang history ng sakit ng aming pamilya. Na ikinamatay ng lahat ng lalaki ng angkan ng Sandoval. Bumalik ng Maynila si Carlo, kasama ang asawa niyang si Sylvia. Ngayon ko lang nalaman na may sakit pala kami sa utak. Nandito lahat ng katibayan, hindi ako nilalason ni Frances, nandito ang reseta ng doktor, nandito ang mga ibang sulat ng kuya na nagsasabing kung gaano siya kamahal ng ate. Na hindi pala nila binayaran si Sylvia na magpanggap na asawa ni Carlo, asawa talaga niya iyon. Pinsan talaga ni Frances si Carlo. Na lahat ng hinala ko ay pawang guni-guni ko lang. O, guni-guni ko rin kaya ang lahat ng nilahad ko sa inyo?

Comments