Ang Lihim
Ano kaya ang lihim na bumabalot sa bahay sa gulod? Tila yata walang ibang taong nakakapasok sa bahay ng mga Gregorio, na namumukod-tangi sa lahat ng mga bahay sa baya ng Sta. Catalina. Apat na herenasyon na ang tumira dito, ngunit ang bahay nila ay tila hindi naluluma. May lihim ang bahay na ito, at ang mga Gregorio lamang ang nakakaalam nito.
Bihirang magkaroon ng bisita ang angkan. Bihira ding lumabas ang mga babaeng Gregorio na hindi kasama ang kanila mga asawa o isa sa mga lalaki ng angkan.
Ang angkan ay pinamumunuan ni Don Manuel Gregorio, 70. Siya ang batas sa apat na haligi ng mansyon. Malakas siya para sa kanyang edad sa kadahilanang nais niyang protektahan ang lihim ng angkan. Ang akala ng marami ay mamatay na si Don Manuel nang atakihin siya sa puso, ngunit naging paralisado lamang ang kalahati ng kanyang katawan. Naging makakalimutin na rin sya, pero kung tungkol sa angkan ang pag-uusapan, walang nakakalampas kay Manuel Gregorio.
Si Conrado ang panganay na anak ni Don Manuel at asawa ni Alisha, ang babaeng pinili ng kanyang ama. Siya ang paboritong anak ng Don. Trenta y otso na siya ngunit kontralado pa rin sya ng kanya ama.
Si Reynaldo ang pangalawang anak ni Manuel. Siya ang rebelde ng angkan. Pinakasalan niya si Amanda na nakatira sa bayan maski na mahigpit na pinagbawal ito ng kanyang ama. Kinamumuhian niya ang kanyang nakatatandang kapatid ngunit mas matindi pa ang galit niya sa kanyang ama na talagang gustong baguhin ang kanyang buhay. Sinunod niya ang tibok ng kanyang puso at itinanan niya si Amanda. Tinanggap siyang muli ng kanyang ama na kasama niya ang kanyang asawang nagdadalantao.
Si Don Manuel ay isang sakim na ama. Ayaw niyang mabulgar ang lihim ng bahay sa gulod. Pinaniwala niya si Reynaldo na may kalaguyo ang kanyang asawa. Katulad ng ibang babae hindi gusto ng don, bigla na lamang nawala si Amanda, kung ano ang nangyari ay iyon ang lihim ng bahay sa gulod.
Si Troy ay disnuebe anyos at siyang tagapagmana ng malawak sa kayamanan ng mga Gregorio. Anak siya ni Conrado, ngunit kakaiba siya sa mga lalaking Gregorio. Tahimik siya at bihirang mabanaag ang ngiti sa kanyang mukha. Noon lagi siyang nasa kuwarto niya at nag-aaral. May sarili syang pag-iisip at walang makakapagbago ng kanyang desisyon. Minahal nya si Sabel, ngunit ito'y nawala, na siyang kinasira ng kanyang bait. Ngayon nakaupo na lamang siya sa isang tabi at tanging pangalan na lamang ng kanyang sinisinta ang laging binibigkas, sabay tulo ng kanyang luha. Palagi siyang nakatingin sa malayo na para bang may hinihintay.
Nagpulong ang mga Gregorio. Hindi kasama si Troy, dahil sya ang paksa ng kanilang pagpupulong. Nalalapit na ang kanyang kaarawan. Nag-aalala silang lahat dahil sa sobrang pagkatahimik ng anak ni Conrado.
"Ama, kailangan ko pa bang ihanap ng mapapangasawa si Troy?"Tanong ni Conrado.
"Isang Gregorio ang anak mo, Conrado. Makakahanap siya ng isang babae na nararapat sa kanya," ang wika ng don.
"Isa nga siyang Gregorio, ngunit ang damdamin niya ay kanyang pagaari. Walang makakapagbago ng isipan niya kung iyon ang kanyang nanaisin, wika naman ni Reynaldo.
"Bakit palaging si Troy na lamang ang nakikita mo?" pagalit na tanong ni Conrado.
"Sabi ko nang walang magagawa ang anak mo yan, itaga mo sa bato," wika ni Reynaldo, sabay hampas sa lamesa.
Tumayo ang don. "Magsitigil kayo! Nakapagdesisyon na ako," Sa tulong ng kanya tungkod ay pumasok siya sa kanyang silid. May poot ang titgan ng dalawang magkapatid ngunit walang tumutol sa matanda.
Umuwi na ng bahay si Troy at nagmano sa mga matatanda na nasa sala. "Magandang gabi po, Ama, Tiyo Reynaldo, Lolo," bati ni Troy.
"Ginagabi ka yata, hijo?" Usisa ng don.
Umupo si Troy sa tabi ng ama. "Dumaan muna po ako ng library. Humiram po ako ng librong babasahin."
"Kumusta naman ang pag-aaral mo? Siguro may barkada ka na ngayon," Anang ni Reynaldo na may lihim na titig.
"Wala po, Tiyo. Wala po akong hilig." Tumindig si Troy. "Ipagpaumanhin ninyo, medyo pagod po ako sa klase. Tutuloy na ako sa aking silid."
"Sige anak, magpahinga ka na," wika ni Conrado.
Muling nagmano si Troy at tumuloy sa kanyang silid. Nandoon muli ang tinginang mainit na namagitan kina Reynaldo at Conrado.
Hindi naghanda sa kanyang kaarawan si Troy. Hiniling niyang mag-imbita lamang ng isang kaibigan. Pumayag ang don sa hiling ng apo. Lahat sila ay nagulat nang ang dalhin ng apo ay isang babaeng hindi kilala ng angkan. Walang umimik at pinagbigyan pa rin si Troy. Lahat sila ay ang usisa sa bisita ng binata.
"Taga saan ka, hija? Paano mo nakilala ang apo ko," tanong ng don. Kinilatis niyang mabuti ang dalaga.
Nahihiyang tumingin ang bisita. "Taga Sta. Catalina po, sa barrio. Kaklase ko po si Troy sa isang subject."
"Nagagalak kami at pinaunlakan mo ang paanyaya ng aking anak. Sana'y wag kang magsawa," ngiti ni Conrado. Nabighani siya sa amo ng mukha ng dalaga.
Si Troy nama'y halos hindi na makakain sa kakatitig sa dalaga.
"Ano'ng pangalan mo uli, hija?" tanong ni Reynaldo.
Ngumiting mayumi ang dalaga. "Sabel po. Sabel Mercado."
Biglang namula si Reynaldo. Natigilan ang don, bumagsak ang tinidor na hawak.
"Anong pangalan ng iyong ina, Sabel?" usisa nito.
"Amanda po. Amanda Mercado." sagot ni Sabel.
"Anong trabaho niya? Nasaan siya?" tanong ni Reynaldo. Napansin niya ang pagkakahawig nito sa yumaong asawa na nakalibing sa silong ng bahay. Ito ang kanyang anak, ang kanyang dalagang anak na pinsan ni Troy.
"Hindi ko na po nagisnan ang aking ina. Ang sabi po ng lola ay sumama sa ama kong mayaman. Hindi na namin alam kung anong nangyari sa kanya, basta pinapadalhan kami ng pera ng lola, " sagot ni Sabel.
Tumayo si Conrado. Alam na niya kung bakit nag-iba ang kilos ng dalawa. "Troy, bakit hindi mo ipakita kay Sabel ang gazebo sa hardin. Maganda ang gabi ngayon."
Natigilan si Troy ngunit tumayo na rin. "Halika, Sabel. Maganda ang hardin namin dito."
Hinintay nilang umalis ang magkasintahan bago nagwika ang don.
"Anak mo si Sabel, Reynaldo. Akala ko ba ipinamigay ninyo ni Amanda ang anak ninyo, kapalit ng pagtira nya dito?"
Nakaupo na si Reynaldo, may luha na sa kanyang mata. "Anak ko iyon, Ama. Hindi ko kaya ipamigay, maibenta o mapapatay. Wala siyang kasalanan."
"Anak siya ng babaeng yon. Sapat nang dahilan iyon. Niloko mo sa loob ng maraming taon ang ating angkan. Ikaw ang sakim, hindi si Conrado!" sigaw ng don.
"Wala kayong karapatang humusga ng tao. Hindi sapat na dahilan ang kahirapan o lahi para maging isang Gregorio. Kayo nag sakim, Ama. Isa nga kayong don, pero maitim naman ang budhi ninyo," biglang tayo ni Reynaldo.
Sinampal siya ng ama. "Ikaw ang walang karapatang humusga, anak lang kita!" Inalalayan siyang umupo ni Conrado.
"Matagal na ang bahay na ito. Mula pa sa kanunununuan ko. Tignan ninyo, mukhang bago pa. Lahat ng Gregoriong namatay ay nakalibing sa silong ng bahay na ito, ganundin ang mga kaaway ng ating angkan. Iyan ang maitim na lihim ng ating angkan, yan din ang dahilan kung bakit hindi naluluma ang bahay. Ang dugo ng mga namatay ang nagbibigay-buhay sa bahay. Tradisyon na ng ating angkan ang alisin ang mga taong nagnais na buwagin ang mga Gregorio, kaya hindi nararapat na umalis pa ng bahay si Sabel," wika ng don.
"Wala naman siyang alam, Ama. Patuloy pa rin ang pagpapadala ko ng pera sa kanya para sa ikabuhay nila ng kanyang lola," sabi ni Reynaldo.
"Paano mo ngayon ipapaliwanag sa anak ko na ang kasintahan nya ay pinsan nya? Paano mo ipapaliwanag sa kanila, aber, ipalaliwanag mo nga?" hikbi ni Conrado.
"Wala tayong kasalanan. Kasalanan ito ng ating ama." sagot ni Reynaldo.
"Magsitigil kayp, kung ayaw ninyong mapasama sa mga nakalibing dito," sigaw ng don. "Pare-pareho lang tayong walang magagawa. Ito ang ating lahi, ang ating angkan. Hindi natin pwedeng baguhin ito. Kasama na sa ating budhi ang kasalanan ng ating angkan. Tulungan ninyo ako. Pagkatapos ni Sabel, wala nang babaeng ililibing sa silong," buntong hininga ng don.
Walang nagawa ang dalawa.
Mag-iisang taon na. Tumigil na sa pag-aaral si Troy. Nawala na ang kanyang sigla at pag-iisip. Bigla na lang nawala ang kanyang kasintahan nang inihatid ng kanyang ama. Hindi na ito pumasok sa eskwela at wala na rin ang lola nito sa barrio.
Nagulat na lang siya nang mapadpad siya sa silong ng bahay. Itatago sana niya ang lumang baul na galing sa kanyang silid. Naakit siya sa mga lumang gamit na nakatago sa silong at tinignan niya ang mga ito. Bigla siyang napasigaw ng pag angat nya sa isang lumang kahon may bumagsak na bagay na hindi nya akalaing makikita niya sa silong ng kanyang bahay. Napaluhod siya sa kanyang dalamhati nang makita niya ang libro, bag at damit ni Sabel.
Tinanong niya ang ama na siyang nagkwento ng lihim ng angkan.
Luma na ang bahay sa gulod. Bihira na ang selebrasyon dito. Bihira na ring lumabas ng bahay ang mga Gregorio, maliban lang kung may bibilhin o may ipapagawa.
Makikita ang isang guwapong binatilyo na nakaupo sa azotea. Malayo ang kanyang tingin, ngunit walang reaksyon sa kanyang paligid. Ngunit malayo ba ang nararating ng kanyang isipan.
Hinawakan siya ni Conrado sa balikat. "Tayo na sa loob anak. Lumalalim na ang gabi, baka sipunan ka."
"Sabel? Ikaw na ba yan Sabel?" tanong ni Troy, sabay tingin sa ama. Ngunit ibang mukha ang kanyang nakikita. "Ginoo, nakita nyo ba kasintahan ko? Matagal-tagal ko na siyang inaabangan," patuloy ni Troy, sabay bagsak ng kanyang luha.
"Baka bukas dumating siya. Matulog ka na para maaga kang makapaghintay kay Sabel," Naiiyak na wika ni Conrado.
Ngumiti ang binata. "Sigurado kayong darating siya? Baka dumating siya ngayon, hindi ako matutulog."
"Gigisingin na lang kita kapag dumating siya," sagot ni Conrado.
Humiga si Troy. Noon lang nakita ng amang ngumiti ang anak.
"Gigisingin ninyo ako, ha? Paano mo siya makikilala? Taga-barrio ka ba?" tanong ni Troy.
"Oo, taga-barrio ako. Ipinagbilin ka sa akin ni Sabel. Alagaan daw kita at darating siya, malayo kasi ang pinuntahan niya kaya natagalan siya. Baka bukas. Matulog ka na." Pinagmasdan ni Conrado ang anak. Hindi niya mapigilang muling umiyak. Pulos pangako na lamang ang mabibigay niya sa kanyang anak.
Nandito na nga si Sabel, ngunit hindi na sila magkikita muli ni Troy. Bahagi na rin sya ng lihim ng bahay sa gulod.
Hanggang kailan nila maitatago ang maitim na lihim na ito? Kailan magsasawa sa pagtatanong at paghihintay si Troy Gregorio? Mapalad na lang ang isang lumilipad ang isip, hindi na siya nagdudusa sa lihim ng kanyang angkan.



was just checking the website...are you marion belanio from baste before?
Reply to this
Yes. I am.
Reply to this
you looked so different in your photos. i can hardly recognize you. hi mai.
Reply to this
Its because I am. I'm no longer the person I used to be. Things have changed. Things had happened. I have a 15 year old daughter now, a single mom. I live in California, pursuing my dream. How have you been, Lem? Hope you are doing good. Take care of yourself, alright? Say hello to everyone, Yam, Bert and your dad. ^_^
Reply to this
hi. i'm fine.sorry to here that. i had my ups and downs too. how did you know it's me? email ad?
Reply to this
Yes. ^_^ there's only one Lem that I know. Good to hear that you are okay. Life is a continuous struggle, ain't it? You were the one who taught me that. I learned my lessons well. No regrets, I have an angel, a gem that is my pure happiness in life, and she is the only one that matters to me now. My angel Alex, my precious daughter.
Reply to this